Abenida Gregorio Araneta (N130 / C-3)


Ang Abenida Gregorio Araneta (Ingles: Gregorio Araneta Avenue) ay isang daang arteryal pang-naik sa ligid ng Santa Mesa Heights sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong pangunahing abenida na may 6–8 linya at pangitnang harangan na itinakda bilang bahagi ng Daang Palibot Blg. 3. Dumadaan ito mula Abenida Sarhento Rivera sa hilaga hanggang Kalye Nicanor Domingo sa San Juan sa timog. Bumabagtas ito sa Abenida Del Monte, Abenida Quezon, Abenida Eulogio Rodriguez Sr., at Bulebar Magsaysay-Aurora pagdaan nito. Tumatakbo sa gitna ng abenida ang isang daluyan ng tubig na gawa ng tao, na tumitigil ng ilang sandali sa sangandaan nito sa Abenida Del Monte at tutuloy muli hanggang sa matapos ito ng tuluyan bago pa mag-Abenida Quezon. Ang haba ng Abenida Araneta ay 5.3 kilometro (3.3 milya).
Nearby cities:
Coordinates:   14°37'27"N   121°0'55"E
  •  17 km
  •  76 km
  •  86 km
  •  126 km
  •  247 km
  •  271 km
  •  287 km
  •  309 km
  •  314 km
  •  327 km
This article was last modified 4 years ago