Abenida Quezon (N170/R-7)


Ang Abenida Manuel L. Quezon (Ingles: Manuel L. Quezon Avenue), o mas-kilala bilang Abenida Quezon (Ingles: Quezon Avenue), ay isang pangunahing lansangan sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas, na ipinangalan mula kay Manuel Luis Quezon, ang ikalawang pangulo ng Pilipinas. May anim (6) hanggang labing-apat (14) na linya ang lansangang ito, na may habang 7.1 kilometro (4.4 milya). Nagsisimula ito sa Quezon Memorial Circle at nagtatapos ito sa Rotondang Mabuhay sa hangganan ng Lungsod Quezon at Maynila. Itinakda ito bilang bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng sistemang daang arteryal ng mga lansangan sa Kamaynilaan, at N170 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.
Nearby cities:
Coordinates:   14°38'6"N   121°1'23"E
  •  16 km
  •  77 km
  •  87 km
  •  128 km
  •  246 km
  •  270 km
  •  287 km
  •  308 km
  •  313 km
  •  326 km
This article was last modified 4 years ago