"Aurora Aragon Quezon" Marker (Baler)

Philippines / Southern Tagalog / Suclayin / Baler / Rizal
 historical marker  Add category

Location: Rizal Street corner San Luis Street, Barangay 5, Baler, Aurora, Philippines

Inscription on marker (all in capital letters & in Filipino):
(National Historical Institute logo dated 1985)

Aurora Aragon Quezon
(1888-1949)

Lider sibiko at pangunang Unang Ginang ng bansa sa ilalim ng masariling panahalaan ng Pilipinas. Ipinanganak noong ika-19 ng Pebrero 1888 sa Baler, Tayabas (ngayo’y sakop ng Lalawigan ng Aurora). Nag-aral sa Paaralang Normal ng Pilipinas. Ikinasal sa Hong Kong kay Manuel Luis Quezon, Pangulo ng Senado noong 1918. Mga anak: Maria Aurora, Maria Zeneida, Luisa Corazon Paz at Manuel L., Jr.
Nagtatag at nagsagawa ng iba’t-ibang batayan ng kaalaman para sa mamamayan, lalo na ng kabataan sa Baler upang mapaunlad ang karunungang bumasa’t sumulat at mataguyod ang mga tungkuling pambayan. Makaraang mamatay ang Pangulon Quezon (1944) nagtaguyod ng mga gawaing panlipunan at panrelihiyon para mapabuti ang pamantayan ng pamumuhay at pagbibigay ng karunungan at biyaya sa mga kapuspalad. Namuno para makilalang isang pambansang samahan ang Krus na Pula at nagging unang babaeng pangulo nito. Tinangkilik ang pagtatayong-muli ng makasaysayang simbahan ng Baler.
Habang pauwi ng Baler, tinambangan ng isang pangkat ng Hukbalahap sa Nueva Ecija at kasamang napatay si Maria Aurora, manugang na Felipe Buencamino III at ilang kaibigan noong ika-28 ng Abril 1949.
Bilang parangal sa kanya, itinatag ang Sub-Lalawigan ng Aurora noong 1951 sa pamamagitan ng Batas ng Republika Blg. 648 at ginawang lalawigan ito sa bias ng Batas Pambansa Blg. 7 noong 1978.
Nearby cities:
Coordinates:   15°45'31"N   121°33'45"E
This article was last modified 11 years ago