Lungsod ng Malolos, Lalawigan ng Bulacan

Philippines / Central Luzon / Malolos /
 lungsod, capital city of state/province/region (en), ikatlong antas ng administrasyon

Ang Lungsod ng Malolos (o City of Malolos sa wikang Ingles) ay isang ika-4 na uring lungsod sa Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan.

Ito ang kabisera ng lalawigan.

Matatagpuan ito mga 40 kilometro sa hilaga ng Maynila.

Hangganan ng Malolos ang Calumpit sa hilaga, ang Plaridel at Bulacan sa silangan, ang Paombong sa kanluran at look ng Maynila sa timog.

Kilala ang Bayan ng Malolos sa pagiging kapital ng Unang Republika ng Pilipinas. Naglundo rito ang maraming patriotikong nakilahok sa pagtatayo ng Republika ng Pilipinas. Sa simbahan ng Barasoain ginawa’t pinagtibay ang Unang Konstitusyon ng Pilipinas at ang Katedral ng Malolos ang nagging tanggapan ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang Pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan kasama niya ang tagapayo at kalihim na si Apolinario Mabini.

Binubuo ito ng 52 mga barangay:

- Anilao
- Atlag
- Babatnin
- Bagna
- Bagong Bayan
- Balayong
- Balite
- Bangkal
- Barihan
- Bulihan
- Bungahan
- Cofradia
- Dakila
- Guinhawa
- Caingin
- Calero
- Caliligawan
- Canalate
- Caniogan
- Catmon
- Ligas
- Liang
- Longos
- Look First
- Look Second
- Lugam
- Mabolo
- Mambog
- Masile
- Matimbo
- Mojon
- Namayan
- Niugan
- Pamarawan
- Panasahan
- Pinagbakahan
- San Agustin
- San Gabriel
- San Juan
- San Pablo
- San Vicente (Poblacion)
- Santiago
- Santisima Trinidad
- Santo Cristo
- Santo Niño (Poblacion)
- Santo Rosario (Poblacion)
- Santor
- Sta. Isabel
- Sumapang Bata
- Sumapang Matanda
- Taal
- Tikay


Bulacan Website: www.bulacan.gov.ph/malolos/
Kalapit na mga lungsod:
Coordinates:   14°49'15"N   120°49'27"E
This article was last modified 15 taon ang nakalipas