Mababang Paaralan ng Malaban (Lungsod ng Biñan, Laguna)

Philippines / Southern Tagalog / Bican / Lungsod ng Biñan, Laguna / Dalampasigan Street
 paaralang elementarya / mababang paaralan  Magdagdag ng kategorya
 Mag-upload ng larawan

Ang Kasaysayan ng Mababang Paaralan ng Malaban:

Ang mga unang klase sa Malaban ay idinaos sa mga silong ng mga pribadong tahanan nina G. Putoy Casano, G. Nacasio Amoranto, G. Juan Capili, at Gng. Vicenta Marquina. Taong 1932, nang si G. Apolinario Casano, ama ng kauna – unahang gurong taga- -Malaban ay nagdonasyon ng isang sukat ng lupa na siyang pinagtayuan ng isang gusali na may tatlong silid – aralan, ang gusaling GABALDON. Nang sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig, ang Malaban ay may kumpletong paaralang primarya, Baitang I – IV . Tatlo ang guro, si Bb. Baltazaro C. Casano sa Baitang I, si Bb. Leoncia Garcia sa Baitang II at si G. Tinoy Alfonso sa Baitang III at IV.

Taong 1952 ng magkaroon ng kumpletong paaralang Elementarya. Upang mapasaya ang pagtatapos, naghandog ng stage ang mag-asawang Angelina at Felix ka. Alatiit. Ang unang punong guro ay si Bb. Fernanda A. Almandral (na sumakabilang buhay nooong 1981). Siya ay sumilang sa bayan ng Casile, Nang taong 19 ay binili ngf pamahalaan ang lupang nasa kalsadang probinsyal buhat kay G. Igmidio Amorando.

Kayat ang nagging kabuuang sukat ng lot eng paaralan ay 5,070 metrong parisukat. Sa kasalukuyang mula sa mga humigit – kumulang na 20 mag-aaral at 1 guro, ang paaralan ay may 1969 ng mag-aaral at 46 na guro, 1 prisipal at 1 dyanitor. Ang dating gusali – ang GABALDON ay naragdagan ng mga sumusunod na gusali:

Gusali Bilang ng Silid – aralan
1. Gonzales I* 6
2. Gonzales II 2
3. Bagong Lipunan I 3
4. Bagong Lipunan II 3
5. RP – US 3
6. Army – Type$ 5
7. Marcos I 6
8. Marcos II (Gym)
9. Home Economics 1
10.Shop 1
11.Native & 3
12.Canteen
13.Gabaldon c 3


* --- Ito ay binubuo ng tanggapan ng principal, aklatan, silid ng tagapamatnubay at 6 na silid – aralan. Ang 3 kuwarto nito ay nasira ang bubong. Naihingi ito ni Bb. Eldelmira M. Libas, principal ng panahong yaong sa Salvation Army ng pampagawa ng bubong. Ang nasabi ring bubong ay nadal namanng buhawi ng taong 19. Sa tulong ni G. Wenceslao Amoranto ay nakahingi ng 1 unit ng Bagong Lipunan at muling ipaayos ang3 silid – aralan na nasira.
# --- Ang gusaling ito ay hugis L at may 7 kuwarto. Ang 5 kuwarto ay binuwag nooong 1982 dahil sa-ang mga ito ay inanay at ang bubong ay sirang – sira na.

1983 – Sa pangunguna ng noon ay Pangulo ng PTA na si G. Felix Ka. Alatiit ay nagdaos ng Ika-50 Anibersaryo ang Malaban Elem. School. – Nagdaos ng Grand Alumni Homecoming at naglathala ang souvenir program na naglalaman ng Mga talaan ng mga nagsipagtapos sa MES, Mga nagtapos sa Kolehiyo at mga tagumpay na mamamayan ng Malaban. Napaloob din sa nabanggit na lathalain ang kasaysayan ng Malaban at ng Paaralan.

C --- Ang Gabaldon ay naipagawang muli sa halagang P100,000.00 buhat sa Bureau of Public Works.
$ --- Ito ay napasama sa sunog noong April 19 . Naipagawa ito noong 1981 sa halagang P100,000.00 mula sa Bureau of Public Works.

2003 – Sa kahilingan ni Bokal Gat-Ala A. Alatiit ay napagkalooban ng DPWH ang Malaban Elem School ng kauna-unahang 2 storey 6-Classroom bldg sa pamamagitan ni Gng. Leny de Jesus ng Presidential Management Staff sa pagtataguyod ni Kin. Roy Almoro.

Ang Mababang Paaralan ng Malaban ay nagsilbing hagdan upang ang ilang mga nagging guro ditto’y mapataas ang katungkulan gaya nina:
1. Bb. Fernanda A. Almendral – Mula s pagiging Head Teacher at prisipal ay nagging Tagamasid Pampurok sa Cabuyao at Binyang.
2. Gng. Peregrina M. Ungson – Siya ay ang dating Peregrina Montes. Mula sa pagiging karaniwang guro ay nagging principal sa Mababang Paaralan ng San Vicente at ditto sa Mababang Paaralan ng Malaban.
3. Gng. Aida M. de Sagun – Dating Aida Manabat. Siya ay naging prinsipal at sa kasalukuyan ay Tagamasid Pampurok ng San Pedro, Laguna.
4. Bb’. Edelmira M. Libas – Mula sa pagiging guro ay naging prinsipal sa Mababang Paaralan ng Malaban at ngayo’y “General Education Supervisor” sa English ng lalawigan ng Laguna.
5. Gng. Elena L. Benjamin – siya ay naging guro sa baitang III sa Mababang Paaralan ng Malaban. Naging prinsipal sa Platero, Dela Paz at Binan Elementary School. At sa kasalukuyan ay “Provincial Schools Superintendent”.

MGA NAGING PRINSIPAL SA MABABANG PAARALAN NG MALABAN:

1. Bb. Fernanda A. Almendral
2. Gng. Matilde J. Lim
3. Rosa L. Carino
4. Gng. Isidra A. Noguerra
5. Bb. Edelmira M. Libas
6. Gng. Peregrina M. Ungson
7. G. Ymson
8. Gng. Bambo
Kalapit na mga lungsod:
Coordinates:   14°20'45"N   121°5'19"E
This article was last modified 16 taon ang nakalipas