Masjid Ibrahim-al-Ibrahim

Gibraltar /

Ang Moske ng Ibrahim-al-Ibrahim, kilala rin bilang ang Moske ng Haring Fahd bin Abdulaziz al-Saud o ang Moske ng Tagapag-ingat ng Dalawang Banal na Moske ay isang moske sa Europa Point, ang pinakatimog na bahagi ng Gibraltar. Ang gusali ay isang regalo mula kay Hari Fahd ng Saudi ARabia at ito ay halos dalawang taong ipinagawa sa halagang mga limang milyong pound. Ito ay opisyal na itinalaga noong Agosto 8, 1997. Mga 7 porsyento ng populasyon ng Gibraltar ay mga Muslim o mga 2,000 katao. Ang lupain ng moske ay mayroon ring paaralan, aklatan at silid para sa panayam.
Coordinates:   36°6'43"N   5°20'44"W
This article was last modified 9 taon ang nakalipas