Bayan ng Angat, Lalawigan ng Bulacan | Bayan, bayan (61), ikatlong antas ng administrasyon

Philippines / Central Luzon / Angat /
 Bayan, bayan (61), ikatlong antas ng administrasyon

Ang bayan ng Angat ay isa sa mga 21 bayan na bumubuo sa lalawigan ng Bulakan.

Ang hangganan ng Angat sa hilaga ay ang bayan ng San Rafael, sa hilagang-kanluran ang bayan ng Doña Remedios Trinidad,sa hilagang-silangan ang bayan ng Baliuag, sa silangan ang bayan ng Bustos, sa timog ang bayan ng Norzagaray, at sa timog-silangan ang mga bayan ng Pandi at Santa Maria.

Ang bayan ng Angat ay lawak na 65.25 kilometro kwadrado o 6,525 ektarya.Ito ay matatagpuan 52 kilometro sa hilagang-kanluran ng Maynila.

Ayon sa senso noong 2000, ang Angat ay may populasyon na 46,033 sa 9,483 kabahayan.

Ang Angat ay binubuo ng 16 na mga barangay:

-Banaban
-Baybay
-Binagbag
-Donacion
-Encanto
-Laog
-Marungko
-Niugan
-Paltok
-Pulong Yantok
-San Roque (Poblacion)
-Santa Cruz (Poblacion)
-Santa Lucia
-Santo Cristo (Poblacion)
-Sulucan
-Taboc


Bulacan Website: www.bulacan.gov.ph/angat/
Kalapit na mga lungsod:
Coordinates:   14°56'19"N   121°0'46"E
This article was last modified 13 taon ang nakalipas