Paliparang Pandaigdig ng Iloilo (Cabatuan, Iloilo)

Philippines / Western Visayas / Cadagmayan / Cabatuan, Iloilo
 paliparang pandaigdig  Magdagdag ng kategorya
 Mag-upload ng larawan

Ang Paliparang Pandaigdig ng Iloilo (Hiligaynon: Pangkalibutan nga Hulugpaan sang Iloilo) (IATA: ILO, ICAO: RPVI) ay isang paliparang pandaigdig na naglingkod sa pangkalahatang kalakhan ng Lungsod ng Iloilo, ang kabisera ng lalawigan ng Iloilo sa Pilipinas at ang sentrong panrehiyon ng Kanlurang Kabisayaan, o Rehiyon VI. Ang paliparan ay isang kahalili para sa lumang Paliparan ng Mandurriao na nasa poblasyon ng Lungsod ng Iloilo at bumukas ito noong 14 Hunyo 2007. Dahil sa pagsara ng Paliparan ng Mandurriao, minana ng Paliparang Pandaigdig ng Iloilo ang mga kodigong pampaliparang IATA at ICAO nito.
Nakalapag ang paliparan labinsiyam na kilometrong hilagang-kanluran ng Lungsod ng Iloilo sa isang dakong may kalakihan ng 188 ektarya sa pagitan ng mga bayan ng Cabatuan at Santa Barbara, kung saan ang pangunahing pasukan at daang pang-abot ng paliparan ay nasa Santa Barbara at ang iba pang bahagi ng imprastruktura ng paliparan ay nasa Cabatuan. Ito ay isa sa tatlong paliparang pandaigdig sa Kabisayaan, kasama ng Paliparang Pandaigdig ng Mactan-Cebu sa Lungsod ng Cebu at ang Paliparang Pandaigdig ng Bacolod-Lungsod ng Silay sa Lungsod ng Bacolod, ang unang paliparang pandaigdig sa Kanlurang Kabisayaan, at ang unang paliparang pandaigdig na itinayo sa pulo ng Panay.
Kalapit na mga lungsod:
Coordinates:   10°50'6"N   122°29'33"E