Bayan ng Angono, Rizal

Philippines / Southern Tagalog / Angono /
 Bayan, bayan (61), ikatlong antas ng administrasyon

Ang Bayan ng Angono ay isang Unang Klaseng bayan sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ay nasa 30km silangan ng Maynila. Ayon sa senso noong 2000, may populasyon itong 74,688.

Itinatag ito bilang isang pueblo noong 1766 at naging bayan noong 1935. Natamasa nito ang kaunlaran sa paglipas ng panahon. Nagsimula ito bilang isang maliit na bayang nagsasaka at nangingisda, ngunit umunlad sa isang makabagong bayan na nagkaroon ng madaming maliliit at katamtamang laking mga negosyo, na karamihan ay mga bangko na nagsitayo ng mga sangay sa bayan. Ang mga sikat na fastfood at iba pang mga establisyamento ay nagkaroon din ng mga sangay. Ang bayan ay may makabagong sistemang pangtelekomunikasyon, na nagbibigay ng serbisyo sa hattinig (telepono), Cable TV, serbisyong internet atbp.

Kilala rin ang bayan ng Angono bilang Kabisera ng Sining ng Pilipinas. Tahanan ito ng dalawang Pambansang Artista ng Pilipinas, si Carlos V. Francisco para sa Pagpipinta (1973) at Lucio D. San Pedro para sa musika (1991). Kilala rin ang bayan dahl sa pinakamatandang gawa ng sining sa Pilipinas, ang Angono Petroglyphs subalit ito ay nasa hangganan ng Angono, Binangonan at Antipolo sa lalawigan ng Rizal.
Kalapit na mga lungsod:
Coordinates:   14°32'5"N   121°9'55"E
This article was last modified 13 taon ang nakalipas