Lungsod Pasig

Philippines / Southern Tagalog / Cainta /
 lungsod, ikalawang antas ng administrasyon, Iguhit lamang ang hangganan

Ang Lungsod ng Pasig (Ingles: Pasig City) ay isa sa mga lungsod at bayan na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ang dating kabisera ng lalawigan ng Rizal mabuo ang Kalakhang Maynila. Matatagpuan sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, ang Pasig ay napapaligiran sa kanluran ng Lungsod ng Quezon at Lungsod ng Mandaluyong; sa hilaga ng Lungsod ng Marikina; sa timog ng [[Lungsod ng Makati], bayan ng Pateros, at Lungsod ng Taguig; at sa silangan ng Lungsod ng Antipolo, bayan ng Cainta at Taytay ng lalawigan ng Rizal.
Ang Pasig ay isang lungsod panirahan at pang-industriya subalit unti-unti na itong nagiging isang lumalagong komersyal na lugar. Dahil nga dating kabisera ng Rizal, ang dating pamahalaang lalawigan ng Rizal ay makikita rito, sa dulo ng Shaw Boulevard.
Sa loob ng bayan nito ay matatagpuan ang Katedral ng Immaculada Concepcion, isa sa mga pinakalumang simbahan sa kalakhang Maynila. Ang lungsod ng Pasig ay isa sa tatlong munisipalidad na itinalaga ng diyosesis ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas (bilang Katoliko Romano diyosesis ng Pasig).

Distrito at mga Baranggay:

Ang Lungsod ng Pasig ay nahahati sa 30 mga barangay. Ito ay may dalawang mga heograpikal o mga distrito ng lungsod. Ang unang distrito ay binubui nang timog at kanluran bahagi ng lungsod, habang ang pangalawang distrito ay binubuo ng hilaga at silangang bahagi ng lungsod.

Unang Distrito:
Bagong Ilog
Bagong Katipunan
Bambang
Buting
Caniogan
Kalawaan
Kapasigan
Kapitolyo
Malinao
Oranbo
Palatiw
Pineda
Sagad
San Antonio
San Joaquin
San Jose
San Nicolas (Poblacion)
San Miguel
Santa Cruz
Santa Rosa
Santo Tomas
Sumilang
Ugong

Pangalawang Distrito:
Dela Paz
Manggahan
Maybunga
Pinagbuhatan
Rosario
Santa Lucia
Santolan

Zip Codes sa Lungsod ng Pasig:

Caniogan 1606
Green Park 1612
Kapasigan 1600
Kapitolyo 1603
Manggahan 1611
Maybunga 1607
Pinagbuhatan 1602
Rosario 1609
San Antonio 1605
San Joaquin 1601
Santolan 1610
Santa Lucia 1608
Ugong 1604
Kalapit na mga lungsod:
Coordinates:   14°34'45"N   121°4'52"E
This article was last modified 4 taon ang nakalipas