Lungsod San Juan

Philippines / Southern Tagalog / Malanday /
 lungsod, ikalawang antas ng administrasyon, Iguhit lamang ang hangganan

Ang Lungsod ng San Juan ay isa sa mga lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dating kabilang ito sa lalawigan ng Rizal hanggang opisyal na naging kabilang sa Kalakhang Maynila. Ang lungsod ang ikalawang pinakamaliit sa mga lungsod at bayan sa Kalakhang Maynila. Mas maliit lamang ang Pateros. Ang opisyal na mahabang pangalan ng San Juan ay Lungsod ng San Juan del Monte. Ito ang lugar ng unang labanan sa pagitan ng Katipunan, isang Filipinong organisasyong rebolusyonaryo, at ng Kastila.

Matatagpuan ang San Juan sa gitna ng Kalakhang Maynila. Napapaligiran ito ng Lungsod Quezon sa hilaga at silangan, Lungsod ng Mandaluyong sa timog, at lungsod ng Maynila sa kanluran. Ilang lamang sa mga interesadong lugar sa San Juan ang Dambana ng Pinaglabanan, na tinatakda ang unang labanan ng Katipunan, ang Greenhills Shopping Center, ang isa sa mga tanyag na pamilihan sa Kalakhang Maynila, lalo na ang mga elektronikang kagamitan, at ang Xavier School, isang tanyag na panay-lalaking hayskul sa Kalakhang Maynila. Matatagpuan din dito ang prestiyosong panay-babaeng Filipino-Intsik na paaralan ang Immaculate Conception Academy-Greenhills.
Kalapit na mga lungsod:
Coordinates:   14°36'8"N   121°2'21"E
This article was last modified 4 taon ang nakalipas